Skip navigation

Tag Archives: budget

Nung naglakad ako pauwi kanina, nakakita ako ng binatang may dalang bulaklak at nagaantay sa harap ng skwelahan. Nakangiti lang siya habang yung ibang estudyante naman nakaabang na nagaantay sa gilid gilid at may nagvi-video pa. Ang sarap ng ngiti ng lalaki. Excited na excited siyang dumating na ung babae.

Naisip ko na kung siguro nasa ganung edad pa ako, ang sweet sweet niya. Nakuha niyang tipirin ung baon nya para may pambili ng bulaklak at ibigay sa GF/nililigawan. Pero ngayong medyo may edad at nag tra-trabaho na ako, naisip ko ang sakripisyo ng mga magulang para may pambaon ang kanilang mga anak.

Oo na, andun na tayo na “bigay naman ng magulang niya yun at siya ang bahala kung paano niya gagastusin yung pera niya.” Kaso ‘di ba mas masarap yung pakiramdam na pinaghihirapan mo yung pera mo at yun yung gagamitin mong pangligaw at pangdate?

Siguro matanda at “old-school” na nga lang siguro ako magisip. Ano ng aba naman ang alam ko sa version ng pagibig ng generation ngayon?

Pero, naniniwala kasi ako na alam ng Diyos ang tamang panahon kung kailan ka magkakagirlfriend/boyfriend. Yung tamang girlfriend at boyfriend na derecho kasalan na. Naniniwala kasi ako dun eh. Dun sa pwede naman na yung first girlfriend/boyfriend mo yung mapapangasawa mo.

So what’s my point? My point is, ang sarap ng mageffort sa isang tao na alam mong 100% na nanggagaling sayo yung resources na ginagamit mo. Mas masarap yung feeling na matured ka na magisip kasi naranasan mo na ang working environment, ang pagbabayad ng bills, ang pagkakaroon ng responsibilidad. Mas masarap yung feeling na kayang-kaya mo nang isipin kung ano ang magiging plano mo sa future mo, sa future ninyong dalawa. Mas masarap yung tipong inantay mong magmahal sa tamang panahon, kasi mayroong pagtiya-tiyaga.

Mas masarap manligaw gamit ang sarili mong budget. 😛